LEMERY, Batangas – Hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay ng isang 72-anyos na biyudo na nagtamo ng mga sugat sa ulo matapos mabundol ng van sa Lemery, Batangas.

Namatay habang ginagamot sa Metro Lemery Medical Center si Leodegario Piol, taga-Barangay San Isidro, Lemery.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek na si Alvin Clanor, 43, ng Batangas City.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Omar Salanguit, dakong 12:40 ng hapon nitong Enero 10, tumatawid ang biktima sa national highway sa Bgy. Bukal nang mahagip ng puting Toyota Hi-Ace (AAD-1012) na minamaneho ni Clanor. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog