Isang binata ang nasawi sa magkahiwalay na sunog na sumiklab sa Marikina kahapon ng umaga.

Pinaniniwalaang nagkulong sa banyo si Salvador Aler, 28, ng kanilang bahay sa Barangay Barangka matapos siyang matagpuan doon ng awtoridad.

Sa ulat ng BFP, madaling araw kahapon nang sumiklab ang sunog sa Bgy. Barangka at umabot sa ikaapat na alarma ang sunog, na naapula pasado 4:00 ng umaga.

Samantala, dalawang bahay naman ang natupok sa sunog sa Bgy. Santo Niño, dakong 8:45 ng umaga kahapon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng dalawang sunog, at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

Una nang ipinayo ng awtoridad na hanggang maaari ay gumapang palabas ng bahay at huwag magkukulong sa banyo kapag may sunog. (Mac Cabreros)