KAHAPON nakabalik ng bansa sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby mula sa bakasyon nila sa Hawaii. 

Ngayong Lunes, live nang mapapanood si Kris sa KrisTV at tiyak na marami siyang kuwento sa 15 days vacation nilang mag-iina na isang yaya lang ang kasama.

Tiyak na isa sa mami-miss ni Kris ngayon ang household chores na nagawa niya habang nakabakasyon, gaya ng pagluluto ng breakfast at paghuhugas ng mga ginamit nila sa pagkain. Mukha pa namang nag-i-enjoy siya sa paghuhugas ng plato dahil lagi siyang may picture na nasa harap ng lababo.

“Care bears” ang bagong favorite expression ni Kris ngayon, ito ang sinasabi niya ‘pag nagdededma sa mga puna at kritisismo sa bawat gawin at bawat kilos niya. Ginamit niya ang “care bears” nang i-post ang pagtulong niya sa ilang pamilya sa Cavite habang nasa Hawaii siya sa pamamagitan ni @kingdavid.ph.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa tulong ng personal assistant niyang si Alvin Gagui, nagpadala si Kris ng Century Pacific Food products at iba pang kailangan sa feeding program ng nanghingi ng tulong sa kanya.

Sabi nga ni Kris, “I know some will criticize me again for posting my charitable initiatives—but care bears—marami akong napasaya & umaasa akong marami ma-inspire.”

Napasaya ni Kris ang 250 kids at 150 families sa tulong na ipinadala niya, eh, yung bashers niya, may natutulungan ba? — Nitz Miralles