Patay ang isang 46-anyos na ginang habang sugatan ang isang driver nang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki ang mga naglalaro ng bingo sa Barangay Batasan , Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Supt. Robert B. Sales, kinilala ang nasawi na si Marianita Barbo, residente ng 60 Senatiorial Road, Bgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ang sugatan ay nakilalang si Darwin Vera, 29.

Nabatid na naganap ang insidente bandang 12:00 ng gabi sa may Executive Road, kanto ng Senatorial Road ng naturang barangay.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Naglalaro umano ng bingo ang mga biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang salarin saka pinagbabaril si Barbo. Minalas namang tinamaan ng ligaw na bala si Vera sa kanyang kanang paa sa insidente.

Isinugod si Barbo sa Amang Rodriguez Hospital subalit idineklara na itong patay dakong 1:00 ng madaling araw.

Ginagamot din ngayon sa nasabing ospital si De Vera, ayon sa pulisya. (Jun Fabon)