liza at ogie copy

“AYAW muna magpainterbyu ni Bagets (Liza Soberano), ayaw niyang ma-stress kasi tiyak ang itatanong n’yo, eh, Darna.”

Ito ang bungad sa amin ni Katotong Ogie Diaz, manager ng young actress, nang dumalo kami sa kaarawan niya noong Sabado ng gabi sa Nation Bar and Grill sa Scout Borromeo, Quezon City.

“Pagdating dito ni Liza, sabi niya, ‘Tito, okay lang po ba na huwag ako magpainterbyu kung may magtatanong?” sabi pa ni Ogie.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kaya hindi na namin inabala si Liza na nasa dulo ng lamesa at kinakalikot ang cellphone niya, lumapit lang kami para batiin siya ng Happy New Year.

Nababasa ni Katotong Ogie ang mga sinulat namin na si Liza na ang napipisil ng Star Cinema na gumanap bilang Darna na nakatakdang ipalabas ngayong 2016.

“’Buti ka pa alam mo, akong manager wala akong alam,” aniya. “Pero kabado nga kami kasi look-test pa lang, wala pang napipili.”

Pero last Sunday ay may nakatsikahan kaming insider sa Dos na talagang si Liza ang gustung-gusto ng ABS-CBN management, pero alanganin dahil baka raw mahirapan dahil may ginagawang soap drama kasama si Enrique Gil na ngayong taon din eere.

Pero sa lahat daw ng kandidata para maging Darna ay perfect si Liza dahil bukod sa napakaganda ng mukha, maganda ang height, sexy (konting bawas lang ng tummy), at malaki raw ang boobs.

Ang pagkakasabi pa ay, “Ang lakas ng sex appeal ni Liza, maski nakabalot, pinagnanasaan ng boys.”

Oo nga naman, Bossing DMB, grabe ang appeal ni Liza.

Anyway, ang number one requirement din para maging Darna ay kailangan daw malaki ang boobs kaya lahat daw ng youngstar nag-aambisyong maging Darna ay dapat siguraduhing meron nito.

Nabanggit namin si Nadine Lustre na sikat na pero kaagad kaming sinabihan, “Viva artist si Nadine, hindi ibibigay sa kanya ang napakalaking project na ito ng ABS-CBN.”

Hmmm, e, bakit si Anne Curtis, Viva talent pero sa kanya ibinigay ang Dyesebel?

Anyway, aminado ang aming source na hirap daw talaga ang Star Cinema sa paghahanap ng gaganap na Darna dahil sa mga requirement na hinahanap.

Samantala, dumalo rin sa birthday party ni Ogie ang mga alaga niyang sina Dyosa Pockoh at iba pa. Late nang dumating ang dati niyang alagang si Vice Ganda kaya hindi na namin nahintay at hindi tuloy namin nakatsikahan. (REGGEE BONOAN)