Nasawi ang isang binata matapos siyang masaksak ng hindi pa nakikilalang suspek sa sumiklab na rambulan sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Charlie Quendo, 21, welder, ng No. 6399 Libis Nadurata Street, Barangay 18, dahil sa malalim na saksak sa likod na tumagos sa kanyang baga.

Hanggang ngayon, wala pang natutukoy na suspek ang mga pulis sa insidente.

Sa inisyal na report ni PO3 Noel Bollosa, ng Caloocan City Police-Station Investigation Division (SID), nakikipag-inuman si Quendo sa kanyang mga kaibigan sa Libis Nadurata Street, habang sa kabilang kanto ay may iba namang grupo na nag-iinuman din.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Maya-maya ay nagkagulo at nagrambulan ang kalalakihan sa lugar, hanggang sa may sumaksak sa likod ni Quendo.

“Wala po kasing nakakita sa sumaksak sa victim kaya wala kaming matukoy na suspek,” anang imbestigador.

(Orly L. Barcala)