CHITO_NARVASA_02_SPORTS copy

Dalawang referee sa knockout match ng Kings vs Batang Pier.

Dalawa sa tatlong referee na tumakbo sa nakaraang “knockout match” ng Barangay Ginebra at Globalport noong Linggo ng gabi ang sinuspinde ng Philippine Basketball Association (PBA) sa katapusan ng ginaganap na 2016 PBA Philippine Cup.

Sinuspinde ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang mga referee na sina Edward Aquino at Rommel Gruta habang naligtas naman sa parusa ang kasama nilang referee na si Bing Oliva. Ipinatawag ni Narvasa ang tatlo kasama ang technical committee sa kanyang opisina noong Martes ng hapon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Aminado ang mga game official na nabigo silang tawagan sa 5-second violation partikular si Gruta na siyang pinakamalapit sa aksiyon nang masuko si Stanley Pringle sa double team defense nina Greg Slaughter at Sol Mercado sa partikular na play na inireklamo ni coach Tim Cone.

Damay sa suspensiyon si Aquino dahil sa ito ang crew chief para sa nasabing laro at responsibilidad nitong ayudahan si Gruta at itawag ang ikalawang violation ni Pringle na stepping o backing violation dahil sa pagtapak nito sa guhit sa mid court.

Kung naitawag ang mga nasabing violation, may final ball possession pa sana ang Kings na posibleng may nalabi pang mahigit tatlong segundo.

Gayunman, hindi na nagprotesta ang Kings at hinayaan na lamang ang Batang Pier na makausad sa kauna-unahang pagkakataon sa semifinals kung saan haharapin nito ang topseed Alaska. (MARIVIC AWITAN)