Miguel and Bianca 6 copy

NGAYONG Disyembre 31 (Huwebes), sabay-sabay na salubungin ang Bagong Taon na puno ng sorpresa at kasiyahan sa ihahandog na pagtatanghal ng GMA Network kasama ang mga paboritong Kapuso stars. Sa Countdown to 2016, kaabang-abang ang mga inihandang pasabog kasama ang hosts sa pangunguna nina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, at Alden Richards.

Isang makulay na pagsalubong sa Bagong Taon ang magaganap kaya inaanyayahan ang lahat na dumating suot ang kani-kanilang costumes. At dahil nga nais ng GMA na magmahalan tayo ngayong Pasko, magsimula nang mag-post ng greetings at selfies gamit ang hashtag na #kapuso2016. Ang mapipiling selfie ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama si Alden Richards sa isang production number.

Mapa-comedy, kantahan o sayawan, talaga namang nangunguna ang Kapuso Network. Kaya naman ihanda na ang sarili dahil makakasama ang Kapuso artists na kinabibilangan nina Rocco Nacino, Mark Herras, Sef Cadayona, Julian Trono, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, Gerphil Flores, at ang Starstruck Top 6. Siguradong kakikiligan din ang performances sa on-screen love teams nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid; at Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Abangan din ang ilan pang mga Kapuso artists na babati at makikisaya sa selebrasyon.

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Hindi rin dapat palampasin ang inihandang fireworks display na siguradong magpapamangha sa fans at viewers. Maging bahagi sa engrandeng selebrasyon sa GMA Countdown to 2016 na magaganap sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard bukas. Magbubukas ang gates ng 5:00 PM at live telecast ng 11:00 PM.