Silva_JPEG (story2 photo) copy

Sa nakatakdang pagbabalik sa aksiyon ni dating UFC middleweight champion Anderson “The Spider” Silva sa Pebrero 2016 kung saan makatutunggali nito si Michael Bisping, asam nito na masungkit ang titulo.

Hindi makakalimutan ni Silva ang pagkawala ng kanyang belt nang maknockout siya ni Brazilian Chris Weidman sa UFC 162 noong Hulyo 2013. Nabigo na itong mabawi ang titulo sa kanilang rematch sa UFC 168. Napuruhan ni Weidman ang kanyang binti at nabali ito sa second round ng kanilang laban.

Bumalik si Silva sa ring noong Enero 2015 at tinalo si Nick Diaz sa kalamangan ng ilang puntos, subalit binawi ang kanyang titulo makaraang mabigo itong sumailalim sa post-fight drug test na naging dahilan upang suspindihin ito sa loob ng isang taon.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Umaasam si Silva na maging maayos ang kanyang pagbabalik sa Pebrero 2016 kung saan itinakda ang laban niya kontra kay Bisping sa UFC Fight Night sa home turf ng huli sa O2 Arena sa London.

"I would love (for) this fight to be in Brazil," ang pag-amin ni Silva sa interbyu nito sa UFC.com. "But it's going to be a pleasure to come back and face Michael Bisping at the sold-out O2 Arena in London."

Huling lumaban si Silva sa London taong 2006, nang maknockout nito si Tony Frykland at mapanatili ang kampeonato sa Cage Rage middleweight.

"I'm really excited to be back," ani Brazilian icon. "I believe this is going to be a big test so I can come back and go after a title shot."

Si Silva pa rin ang may hawak ng pinakamahabang panalo sa kasaysayan ng UFC, na mayroong 16 panalong sunud-sunod na laban at naghari bilang UFC middleweight champion sa loob ng 2457 araw, ang pinakamahaba sa kasaysayan ng UFC.

(Abs-Cbn Sports)