Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Lunes na naghahanap ito ng bagong kategorya para sa app-based motorcycle booking services gaya ng GrabBike.

Ang GrabBike ay isang motorcycle booking service ng app-based taxi booking service na GrabTaxi. Kasalukuyan itong sinusubukan sa Makati at Bonifacio Global City.

Sinabi ni LTFRB chairman Winston Ginez na hindi pa sila nagbibigay ng anumang permit para sa operasyon ng GrabBike dahil ang serbisyo ay hindi sakop ng certificate of accreditation na ibinigay ng Board sa GrabTaxi.

Sa isang memorandum, hiniling ni Ginez kay Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya na talakayin ang operasyon ng nasabing serbisyo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kasalukuyan ang mga munisipalidad at lungsod ang binigyan ng kapangyarihan ng batas na magbigay ng franchise sa mga tricycle at mag-regulate sa kanilang operasyon sa loob ng territorial jurisdiction nito alinsunod sa guidelines na ibinigay ng DoTC. (PNA)