Makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ngayong Pasko, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, bukod sa National Capital Region (NCR), inaasahang makararanas din ng mga pag-ulan at thunderstorm ang Eastern Visayas at ang Sorsogon sa Bicol Region.

Makararanas naman ng mahinang pag-ulan ang Calayan and Babuyan Group of Islands, gayundin ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Paglilinaw ng PAGASA, wala pa silang namamataang anumang sama ng panahon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR). - Rommel P. Tabbad
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!