Jpeg

Nananawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya, mga kaanak, at sa sinumang nakakakilala sa batang nasa larawan.

Nobyembre 22, 2011 nang natagpuan ang batang si “Joey”, noon ay limang taong gulang, sa Perpetual Village sa Barangay San Martin de Porres sa Parañaque City. Mula sa pulisya, inilipat ang kostudiya ng bata sa DSWD, na simula noon ay nag-aruga sa paslit.

Para sa anumang impormasyon tungkol sa pamilya ng bata, maaaring makipag-ugnayan kay Delia B. Aguilar ng DSWD sa 0999-6912662 o sa 0905-1660577.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20