SMB vs Ginebra_01_SARMIENTO_111615 copy

Sa isinasagawang eliminasyon sa season opener conference ng PBA Philippine Cup ay nasa top list para sa labanan sa Best Player Conference ang San Miguel Beer (SMB) slotman at reigning Most Valuable Player (MVP) na si Junemar Fajardo.

Sa halos 11 laro, si Fajardo ay namuno at nakaipon ng average na 23.5-puntos at leading rebounder ng liga sa average na 15.0-puntos bawat laro at nakapagtala na ito ng kabuuang 45.6 statistical points.

Si Fajardo ay mayroong 3-puntos na kalamangan sa pumapangalawang si Greg Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel na mayroon namang rekord na 45.3 statistical points.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pumapangatlo sa kanila ang NLEX forwards na si Sean Anthony na mayroong 37.4 statistical points, angat lamang ng .1 point sa pumapang-apat na si Stanley Pringle ng Globalport na mayroong 37.3 statistical points.

Nasa ika-5 puwesto naman si NLEX ageless center Paul Asi Taulava na mayroong 35.9 sp’s, kasunod si Willy Wilson ng Barako Bull na may 35.6 sp’s.

Kasunod naman nila at umuokupa ng ikapitong puwesto si Alaska forward Vic Manuel na mayroong 33.7 statistical points, kasunod ang league co-assist leader na si Jayson Castro na kapares ng kanyang co-assist leader na si Alex Cabagnot ng San Miguel Beer ay mayroong 5.0 assists average per game na nagtataglay ng 33.0 statistical points.

Nasa ika-9 na puwesto naman si Globalport top gun Terrence Romeo na may 32.9 sp’s at ika-10 naman si Arwind Santos ng Beermen na may 32.55 sp’s. (MARIVIC AWITAN)