PASUQUIN, Ilocos Norte – Nasa P2-milyon halaga ng ari-arian ang naabo matapos na matupok ng apoy ang dalawang planta ng asin at ilang bahay sa Barangay Estancia, Pasuquin, nitong Biyernes, iniulat nitong Sabado.

Sinabi ni SFO2 Keith Cuepo, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasuquin, na ang naabong planta ng asin ay pag-aari ni Arnold Garcia, habang kay Elvira Anita Lazo naman ang isa pang nasunog na salt production plant.

Natupok din ang bahay nina Jennifer Duran at Eusebia Garcia.

Ayon sa mga saksi, nagsimula ang sunog sa isang kable ng kuryente sa isang poste. (Freddie G. Lazaro)
Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae