YOGYAKARTA, Indonesia (AP)— Isang jet fighter ang bumulusok habang nagsasagawa ng air show sa Indonesia, na ikinamatay ng dalawang piloto. Walang nasaktan sa lupa.

Sinabi ni air force spokesman Dwi Badarmanto na nangyari ang aksidente noong Linggo sa ikalawang araw ng air show para sa 70th anniversary ng Air Force Flight School sa Yogyakarta, sa isla ng Java.

Agad na namatay ang pilot at co-pilot – kapwa Indonesian – na sakay ng KAI T-50i Golden Eagle aircraft.

Sinabi ng isang saksi sa MetroTV na tila nawalan ng kontrol ang South Korea-made light attack aircraft habang umiikot at bumulusok sa base complex ng air force.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo