Isang freelance helper ang nasawi nang madaganan ng malaking salamin na kanilang idinidiskarga sa delivery truck mula sa ikasiyam na palapag ng isang gusali sa Binondo, Manila, nitong Sabado ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Ever Dances Rosselosa, 22, residente ng NorthVille 2, A. Canumay, Valenzuela City nang madaganan ng 47 piraso ng glass frame na may sukat na 7x7 at may kapal na .316 inches.

Samantala, isa pang helper na hindi natukoy ang nabagsakan din ng salamin ngunit hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung anong pinsala ang tinamo nito.

Batay sa ulat ni PO3 Michael Maranggun, dakong 2:30 ng hapon nitong Sabado nang maganap ang aksidente sa ikasiyam na palapag ng World Trade Exchange building sa Juan Luna St. sa Binondo.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa imbestigasyon, sinabi ng driver ng Elf delivery truck na si Eduardo Aquino Fernandez, 43, na habang idinidiskarga mula sa truck ang mga salamin ay bumagsak ang mga ito sa biktima na nasa gilid ng truck.

Tinangka pa sanang tumakbo ng biktima upangmakaiwas ngunit natapilok ito.

Hindi empleyado ng glass supplier sa nasabing building ang biktima at ang driver kundi kinontrata lamang ang truck at mga helper para ihatid ang mga salamin. - Mary Ann Santiago