Hindi natapos ang first round ng UAAP Season 78 juniors football tournament ngayong 2015 makaraang kanselahin ang huling laban na dapat idinaos noong Sabado ng hapon sa pagitan ng defending champion Far Eastern University (FEU)-Diliman at ng Ateneo at ng De La Salle-Zobel at ng University of Santo Tomas (UST).

Bunga ng halos walang patid na pag-ulan noong nakaraang Biyernes hanggang Sabado ng hapon, napilitang kanselahin ng UAAP ang laro dahil lumubog na sa tubig ang Moro Lorenzo Football Field .

Nagdesisyon ang pamunuan ng UAAP na ilipat na lamang ng petsa ang naabing mga laro na itinakda sa Enero 16 sa parehas ding venue sa Katipunan sa Quezon City.

Pansamantalang nag-break ang liga para sa Kapaskuhan at muling magpapatuloy lahat ng kanilang mga event sa Enero 9, 2016.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasalukuyang nangunguna ang Baby Tamaraws sa standings ng juniors football sa natipon nitong 6- puntos kasunod ang Junior Archers at Blue Eaglets na may tig-3 puntos habang wala pang nakukuhang puntos ang Tiger Cubs. - Marivic Awitan