Rain or Shine vs Alaska_02_Sarmiento_121215 copy

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

3 p.m. Barako Bull vs. Alaska

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

5:15 p.m. Rain or Shine vs. NLEX

Tatargetin ng Alaska at Rain or Shine.

Pormal na makopo ang target na outright semifinals berth ang tatangkain ng Rain or Shine sa kanilang pakikipaghamok sa NLEX sa tampok na laro ngayong hapon sa penultimate day ng elimination round ng 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nasa ikalawang posisyon sa likod ng namumuno at defending champion San Miguel Beermen (9-2) ang Elasto Painters kung saan kasalo nito ang Alaska Aces hawak ang barahang 8-2,panalo-talo.

May laro rin ang Aces kontra Barako Bull ngayong ika-3 ng hapon kung saan hangad din nito ang manalo upang magkamit ng inaasam na outright semifinals berth.

Nabuhay ang pag-asa ng dalawang koponan na makasingit sa dating nakaangat ng Beermen para sa top two spot na may kaakibat na outright entry sa semis bilang insentibo nang talunin ng Aces ang Beermen sa nakaraang laro nito noong unang araw ng simbang gabi (Disyembre 16) sa iskor na 103-97.

Kung kapwa sila mananalo ng Elasto Painters at magtatapos na may barahang 9-2, ang dalawang koponan pa ang papasok at malalaglag sa No.3 spot ang Beermen na ang konsolasyon ay ang bentaheng twice-to-beat sa kanilang pagdaan sa quarterfinals.

Batay sa format ng liga, ang lahat ng table o tie ay maaaring i-break sa pamamagitan ng head-to-head records ng mga magkakatablang teams para sa kanilang seeding.

Kapwa nagwagi ang Aces at Elasto Painters sa Beermen kung kaya’t matapos ang may ilang linggo ring pamamayagpag sa ibabaw, may posibilidad pang sila ang malaglag at kailangan pang dumaan ng playoff round.

Para naman sa kanilang mga katunggali, kapwa nakasisiguro ng kanilang slot sa quarterfinal round, tatangkain na lamang ng mga itong makasilat bilang buwelo sa kanilang pagsabak sa playoffs kung saan nakaabang para makatunggali nila ang sinusundang Barangay Ginebra(6-4) at Talk ‘N Text(5-4), depende sa magiging final placings sa pagtatapos ng eliminations.

Nasa ikaanim na puwesto ang Energy Cola hawak ang patas na barahang 5-5, panalo-talo, kasunod ang NLEX na may taglay na barahang 4-6. (MARIVIC AWITAN)