Nicki copy

AFP — Ipinakakansela ng isang grupo ang nakatakdang pagtatanghal ni Nicki Minaj sa Angola, sinabing ang kanyang pagtatanghal ay magsisilbing endorsement sa authoritarian rule ng long-time president na si Jose Eduardo dos Santos.

Si Minaj ay nakatakdang magtanghal sa Sabado sa Luanda, ang Angolan capital, para sa Christmas concert na pinamamahalaan ng Unitel communications firm na pag-aari ng pamilya dos Santos.

Ganito rin ang naging paghusga sa pagtatanghal ni Mariah Carey sa harapan ni President dos Santos noong 2013.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Nicki Minaj is following in the footsteps of Mariah Carey, callously taking money from a dictator, who has effectively and ruthlessly choked free expression,” pahayag ni Jeffery Smith, ng Robert F. Kennedy Human Rights center.

“This sustained crackdown on basic human rights in Angola has swept up activists, opposition members, journalists, and even musicians.”

Si dos Santos,73, ay inakusahan dahil sa kurapsiyon.

“Nicki Minaj is a global artist. There is no good reason for her to do business with the corrupt Angolan dictatorship and endorse the ruler’s family company,” sinabi ni Human Rights Foundation president Thor Halvorssen.

Ipinagdiwang ng Angola ang ika-40 taong kalayaan mula sa Portugal noong nakaraang buwan, at nangako si dos Santos na palalaguin at pasisiglahin ang bansang nasasakupan.