OAKLAND, California – Isinalansan ni Klay Thompson ang 27 sa kanyang naitalang season-high 43 puntos sa third period upang tulungang ibangon ang Golden State Warriors sa una nitong pagkabigo matapos ang record na 24-0 panimula nang padapain nila ang Phoenix Suns, 128-103.

Nagdagdag naman ng 25 puntos ang reigning MVP na si Stephen Curry mula sa kanyang 10-of-14 shooting sa field, bukod pa sa 7 assists, sa pagbabalik ng Golden State sa kanilang homecourt makaraan ang dalawang linggong road trip na natapos sa kanilang nag-iisang pagkatalo, 95- 108 sa kamay ng Milwaukee Bucks na pumutol din sa kanilang 28-game overall winning streak , ang ikalawang longest wiing run sa kasaysayan ng NBA.

Naitala naman ni Draymond Green ang kanyang ikaapat na triple double ngayong season makaraang tumapos na may 16 puntos, 11 rebounds, at 10 assists habang nagposte naman si Thompson ng 15-of-22 shots at 8-of-13 3-pointers sa kanyang unang 40-point game ngayong season.

Namuno naman sa natalong Suns si Mirza Teletovic na may 24 puntos off the bench. (AP)

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!