CAMP JUAN, Ilocos Norte – Nasawi ang dalawang bata matapos makuryente makaraang aksidenteng mapahawak sa live wire sa Christmas décor sa harap ng Laoag City Hall, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ceejay Ibao, 10 anyos; ar Reinier Aclan, 10, kapwa residente ng Sitio Maharlika, Barangay 1, Laoag City, Ilocos Norte.

Napaulat na nangyari ang insidente dakong 7:00 ng gabi. Isinugod ang mga biktima sa ospital ngunit kapwa sila namatay habang ginagamot.

Pinaniniwalaang tumaas ang boltahe ng kuryente sa dekorasyong Pamasko dahil sa pag-uulan sa nakalipas na mga araw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Freddie G. Lazaro)