CAMP MACABULOS, Tarlac City - Marahas na kamatayan ang sinapit ng isang security guard at grabe namang nasugatan ang isa pa sa pagdukot sa isang negosyante sa Tarlac Sentra Piggery Farm sa Barangay Sta. Ines East, Santa Ignacia, Tarlac.

Sa ulat kay Tarlac Police Provincial Office Director Senior Supt. Alex Sintin, ang napatay sa insidente ay si Joymie Dancel, 55, security guard, habang nasugatan naman ang kasamahan nitong si Joseph Florentino, 21, binata, ng Bgy. Sinait, Tarlac City, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Napag-alaman na dakong 3:30 ng hapon nang isang puting sedan ang pumasok sa farm at dinukot ng tatlong lalaking naka-bonnet si Giovani Rossano Tan, 30, manager ng farm, ng Bgy. Ligtasan, Tarlac City.

Ayon sa report, pinagbabaril ng mga suspek sina Dancel at Florentino at sinasabing tinangay pa umano ang service firearm ng sekyu at ang Isuzu pick-up (XSL-298) ni Senty Tan, ng Tarlac Everlasting Farm sa Bgy. San Isidro.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Natangay ng mga suspek si Tan, sa hinalang kidnap-for-ransom, at sinisikap na ng pulisya na mabawi siya.

(Leandro Alborote)