Ed Sheeran copy

TILA sasalubungin ng singer na si Ed Sheeran ang Bagong Taon sa pamamagitan ng operasyon.

Isiniwalat ng Thinking Out Loud singer na sasailalim siya sa isang operasyon upang maipaayos ang kanyang nasirang eardrum nang tumalon siya mula sa isang yate na nagdulot ng pinsala sa kanyang tainga habang siya ay nagbabakasyon sa Spain nitong unang bahagi ng taon.

“I have to have an operation in January on my ear because I stupidly jumped off a yacht really high up and smashed it,” paliwanag ni Sheeran sa Australia’s Nova radio.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I landed wrong, and it burst my eardrum so I have to go and get a graft, which means I’m not allowed to fly for a while, so it’s kind of good [because] it means I have to stay at home,” dagdag ng singer.

Ayon sa 24 taong gulang na musikero, hindi niya naisip na masasaktan siya.

“It’s the most painful thing having a hole in your eardrum and having water go in,” pagbabahagi ni Sheeran.

Ang operasyon at ang pagpapagaling ni Sheeran ay nangangahulugan na pansamantala muna siyang magpapahinga sa pagtatanghal.

Sana lang ay hindi niya makalimutan ang kanyang sweet moves na natutunan niya sa kanyang Thinking Out Loud music video. (ET Online)