PANIQUI, Tarlac - Isang 13-anyos na matagal na umanong pinapantasya ng isang 46-anyos na lalaki ang iniulat na kinidnap at hinalay sa isang hotel sa Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac.

Halos matulala sa sindak ang dalagita sa pang-aabuso ni Janry Cigal, ng Bgy. Abogado, Paniqui.

Dakong 6:30 ng gabi, naglalaro ng tennis ang biktima kasama ang iba pang kaibigan sa Paniqui Tennis Court nang makisali ang suspek at binola-bola ang dalagita.

Nang pauwi na ang biktima ay sinamahan ito ni Cigal sa tricycle, pero itinuloy ang sasakyan sa isang hotel at doon hinalay ang dalagita.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa report, tumakas ang biktima nang makatulog ang suspek at agad na nagsuplong sa awtoridad. (Leandro Alborote)