SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Patay ang isang 22-anyos na lalaki makaraang araruhin ng isang van ang sinasakyan niyang Isuzu dump truck habang nakaparada sa Maharlika Highway sa Barangay Tayabo sa lungsod na ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng San Jose City Police ang nasawi na si Bizmark Paeste y Espiritu, ng Bone North, Nueva Vizcaya, na namatay habang ginagamot sa San Jose City Hospital.

Ayon kay Alfredo Quintero y Fernandez, 45, driver ng dump truck, ng Bgy. Dagupan, Quezon, Nueva Vizcaya, dakong 2:00 ng umaga nang aksidenteng suruin ng Isuzu Chitler van (MMV-972) na minamaneho ni Leo Caun y Bernal, 32, ng Aritao, Nueva Vizcaya, ang nakahimpil nilang truck.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property ang kinakaharap ni Caun. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog