Magpapatupad ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga, at pinakamalaki ang natapyas sa diesel.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Disyembre 15 ay magtatapyas ito ng P1.45 sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, habang 60 sentimos sa gasolina.

Kasabay ding magbabawas ng kaparehong halaga sa presyo ng kada litro ng diesel at gasolina ang Total, epektibo rin ngayong Martes.

Hindi naman nagpahuli sa abiso ang Petron at magro-rollback din ito ng kahalintulad na presyo, dakong 12:01 ng madaling araw ngayong Martes.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Asahan ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Disyembre 8 nang nagtapyas ang Shell ng 70 sentimos sa presyo ng kerosene at 50 sentimos sa diesel. (Bella Gamotea)