Inaasahang darating na sa bansa bago matapos ang kasalukuyang taon ang mahigit 20,000 vote counting machine (VCM) mula sa Smartmatic Corporation na gagamitin sa 2016 national polls.

Ayon sa Smartmatic, kabuuang 21,000 VCM ang inaasahang darating sa bansa bago matapos ang Disyembre 2015.

Bahagi ito ng 93,977 VCM na inupahan ng Comelec mula sa Smartmatic na gagamitin sa May 9, 2016 national and local elections.

Sa pagpasok ng Enero 2016, magkakaroon ng dalawang magkasunod na delivery ng mga naturang makina.

Chinese zoo, kinuyog matapos gawing 'panda' ang mga aso

Ang unang delivery ng 30,000 VCM ay inaasahang darating sa unang bahagi ng naturang buwan, habang ang natitira pang unit ay ide-deliver sa huling bahagi ng Enero. (Mary Ann Santiago)