TARLAC CITY - Sa edad na 11 ay nakaranas na ng pang-aabuso ang isang Grade 4 pupil ng Matatalaib-Buno Elementary School matapos siyang daliriin ng isang matandang lalaki sa Sitio Masikap, Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Kinumpirma ni PO2 Janeth Nera Galutan na naaresto ang suspek na si Univer Meneses, 52, may asawa, ng Bgy. Concepcion, Malabon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 8:00 ng gabi, payapang nanonood ng telebisyon ang bata nang tawagin siya ni Meneses at alukin ng P20.

Nang nasa bahay na ng suspek ang bata, hinalikan umano siya sa labi at dinaliri ng suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog