WASHINGTON (AP) — Ipinadala ng United States ang P-8 Poseidon spy plane sa Singapore sa unang pagkakataon, sa gitna ng tumitinding pag-aalala sa rehiyon dahil sa expansive territorial claims sa South China Sea.
Ang isang linggong deployment sa Singapore, nagsimula noong Lunes, ay nangyari nang magkita sina Secretary of Defense Ash Carter at kanyang Singaporean counterpart Ng Eng Hen sa Washington at lumagda sa bagong kasunduan na paigtingin ang defense cooperation.
Sa isang joint statement, sinabi ng dalawang panig na isusulong ng deployment ang interoperability ng mga militar sa rehiyon sa mga balikatan, at magbibigay ng suporta sa disaster relief at maritime security.
Ang U.S. at Singapore ay mayroon nang long-standing defense ties. Sa Asia-Pacific, ang U.S. ay nag-operate din ng Poseidon surveillance planes sa Japan at Pilipinas, na kapwa kaalyado ng U.S. treaty.