Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Sa pahayag ng Shell, epektibo 6:00 ng umaga ngayong Disyembre 8 ay magtatapyas ito ng 70 sentimos sa kada litro ng kerosene,at 50 sentimos sa diesel habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina nito.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Noong Nobyembre 24, nagtapyas ang Shell ng 80 sentimos sa presyo ng kerosene, 65 sentimos sa gasolina at 45 sentimos naman sa diesel. (Bella Gamotea)