TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Binaril ang isang tricycle driver na tumangging ibigay sa naka-motorsiklong holdaper ang kanyang cell phone, dakong 11:20 ng gabi nitong Biyernes, sa panulukan ng Daang Diego Silang at JC Mercado Streets sa lungsod na ito.

Hindi na inabutan pa ng mga rumespondeng pulis ang biktimang si Jonard Palada y Llegas, 22, binata, driver, ng Daang Diego Silang Street, dahil agad itong isinugod sa ospital ng mga kapwa tricycle driver na nakasaksi sa nangyari.

Maayos na ang lagay ng biktima, ayon kay SPO2 Jasper Garcia.

Sinabi ni Palada na hinihintay niya sa lugar ang kanyang kinakasama nang lapitan siya ng suspek, na nagdeklara ng holdap habang tinututukan siya ng baril, ngunit nagtangkang tumakas ang biktima kaya binaril siya. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog