Malubhang nakaratay sa ospital ang isang binatilyong sinumpak sa Payatas, Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Robert B. Sales, Station Commander ng Batasan Police Station 6, si Christian Jay Luib , 17, estudyante, nakatira sa Phase 3, Area D, Barangay Payatas, Quezon City.

Si Lujib ay isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) dahil sa tama ng mga boletas sa katawan.

Pinaghahanap na ng pulisya ang hindi nakilalang suspek.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Base sa report, dakong 11:00 ng gabi, pauwi si Lujib sa kanilang bahay nang paulit-ulit siyang sinitsitan ng suspek ngunit hindi lumingon ang biktima. Kasunod nito ay sinugod siya ng suspek at tinira ng sumpak. (Jun Fabon)