Regine-Velasquez-1 copy copy

NAGAMIT ng nagkakalat ng maling balita tungkol kay Regine Velasquez-Alcasid ang hindi niya pagkakasali sa 2015 Christmas Station ID ng GMA Network.

Niliwanag na ni Regine ang dahilan kung bakit hindi siya nakasama sa shoot ng station ID, dahil too busy siya nang time na iyon, pero lumabas pa rin ang bali-balita na lilipat na siya sa ABS-CBN dahil siya na raw ang papalit kay Ai Ai delas Alas sa pagbabalik ng Pilipinas Got Talent. May inihahanda na rin daw na teleserye para sa kanya. 

May nagsabi pang papasok din siya sa ASAP para naman daw magkaroon ng tunay na singer na hindi nagli-lip sync.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero tinuldukan agad ni Regine ang issue nang magpa-interview siya kay Qritiko at ito ang sinabi niya sa kanyang Facebook account: “Here you go straight from Regine Velasquez herself: #StillKAPUSO. I am not moving. I don’t know where that news came from. I’m already signing with GMA for 2 years.”

Natandaan namin na sinabi na rin ito ni Regine sa presscon pa ng Starstruck, na isa siya sa members ng council with Joey de Leon, Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes. That time, tinatapos pa niya ang dating contract niya at may ilan lamang siyang aayusin bago mag-sign ng panibagong contract. Never daw niyang iiwanan ang Kapuso Network na naging network na niya simula’t simula pa at naging very supportive sa kanya sa lahat ng mga ginagawa niya.

Naitanong din sa kanya noon kung gagawa siya ng panibagong drama serye, ang sagot niya, kapag may magandang story, bakit hindi.

Pero thankful siya sa pagbibigay sa kanya ng cooking show niyang Sarap Diva every Saturday na ilang seasons na rin niyang ginagawa. At iyon nga ang live presentation ng Starstruck 6 every Friday.  Priority pa rin daw kasi niya ang pag-aalaga sa anak nila ni Ogie Alcasid, si Nate. (Nora Calderon)