ZAMBOANGA CITY – Isang kilalang negosyante sa lungsod na ito ang binaril at napatay nitong Huwebes ng tanghali ng isa sa riding-in-tandem sa Campaner Extension road.

Kinilala ni Chief Insp. Joel Tuttuh, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, ang biktimang si Philip Jacinto Lim, 53, may asawa, may-ari ng hardware na Unicon Enterprises.

Nagtamo siya ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan at namatay habang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center, ayon kay Tuttuh.

Kilala ang pamilya ng biktima sa pangangasiwa ng iba’t ibang negosyo sa Zamboanga City. (Nonoy E. Lacson)
Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae