Mga laro ngayon

MOA Arena

3 p.m. Mahindra vs. Meralco

5:15 p.m. San Miguel Beer vs. Star

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Solong pamumuno ang muling tatargetin ng defending champion San Miguel Beer sa kanilang pagtutuos ngayong hapon ng sister team Star sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2016 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang kasalo ng Beermen ang Alaska Aces sa pangingibabaw sa taglay nilang barahang 5-1, panalo-talo habang nag-iisa naman sa ikaanim na posiyon ang Hotshots na mayroon pa lamang dalawang panalo sa unang pito nilang laro.

Matapos makatikim ng unang pagkatalo, nagtala ng tatlong dikit na panalo ang Beermen, pinakahuli ang 106-105 na pag-ungos nila sa Barako Bull noong nakaraang Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Umaasa si coach Leo Austria na natuto ng leksiyon ang Beermen sa muntik ng pagkatalo sa Energy Cola na kailangan nilang seryosohin kahit na anong team ang kanilang kalaban.

“Hope this game gives us a lesson,every team dito kailangan pag-ukulan ng tamang panahon,” ani Austria.

Mauuna rito, kapwa naman nasa buntot ng team standings, magkukumahog kapwa na umangat ang Mahindra (1-5) at ang Meralco (1-6) sa pag-uunahang makapagtala ng kani-kanilang ikalawang panalo. (Marivic Awitan)