Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na gumastos ito ng P784.9 milyon sa security operations sa 39 na pagpupulong na idinaos sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) simula Disyembre noong nakalipas na taon hanggang nitong Nobyembre 2015 sa Pasay City.

Ayon kay PNP spokesperson, Chief Superintendent Wilben Mayor, ang naturang halaga ay inilabas ng Directorate for Comptrollership (DC) direkta sa PNP Units at tanggapan ng APEC Security Task Force (ASTF). (Fer Taboy)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter