Nobyembre 25, 1950 nang nanalasa ang “Appalachian Storm”, na tinaguriang “Storm of the Century” sa United States.

Matinding nanalasa sa North Carolina bago ang Thanksgiving Day, tumama ang bagyo sa Pennsylvania, West Virginia, at Ohio. Ilang araw na natabunan ng malalaking tipak ng niyebe ang mga nabanggit na lugar. Hindi rin madaanan ang ilang kalsada sa loob ng halos ng isang linggo.

Ang lakas ng hangin, na tumama sa New York City, ay umabot sa 94 na milya kada oras (150.4 kilometro kada oras).

Habang ang hanging tumama sa kalapit na Bear Mountain ay may lakas na 140 milya kada oras (224 kph).

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Ayon sa Weather Channel expert na si Paul Kocin, ang bagyo “had the greatest contrast of weather elements in probably any storm, including the March 1993 Superstorm.” Kumitil ang bagyo ng 160 buhay.