Nobyembre 24, 1859 nang ilathala sa England ang scientific work ni Charles Darwin na “On The Origin of Species by Means of Natural Selection”.
Ayon sa teorya, dahan-dahang nag-e-evolve ang mga organismo sa pamamagitan ng tinatawag na “natural selection”. Kinalap ni Darwin ang karamihan sa mga batayan ng kanyang teorya noong 1820s sa limang-taon niyang paglalakbay sakay ng HMS Beagle.
Matapos na malathala ang “Origin of Species”, maraming siyentista ang agad na tinanggap ang teorya, na nagbigay ng kasagutan sa mga misteryo sa biological science. Gayunman, kinondena ito ng mga orthodox Christians bilang isang haka-haka. Ang mga bagong kaganapan sa genetics at molecular biology ang nagbunsod upang tanggapin ang teorya ng ebolusyon, na nananatiling sentrong ideya ang mga tuklas ni Darwin.
Bago ang pag-aaral, maraming European ang naniniwalang nilikha ng Diyos ang Earth at ang lahat ng nilalang. Noong 1836, matapos siyang magbiyahe sa Galapos Islands, tinangka niyang solusyunan ang mga misteryo sa pagkakapareho ng ilang ibon. Dinebelop niya ang evolution theory sa sumunod na 20 taon.