KAHIT walang exclusive contract sa ABS-CBN si Sunshine Cruz, ramdam na ramdam niya ang pagiging Kapamilya sa ginagawang pag-aalaga sa kanya ng network.

Ilang buwan lang ang pahinga niya ay tinawagan na agad siya para sa isa na namang project.

This time, makakasama ni Sunshine ang isa sa mga pinakasikat na tambalan ngayon sa Kapamilya Network.

“I will be doing a serye anytime soon, Kuya Jimi. Sa ABS CBN pa rin. Hindi ko lang alam kung p’wede nang sabihin pero off the record muna kung sino ang makakasama ko. Basta maganda ang role ko at natutuwa talaga ako,” sey ni Sunshine.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ayaw magkomento ni Sunshine tungkol sa nabalitaan naming kinukuha siya ng isang network. Iniiwasan daw niyang may mga taong magtampo sa kanya.

“Napakaliit lang naman ng industriya natin, ayoko namang magbitiw ng isang salita na maaaring may magalit sa akin,” matipid na tugon ng aktres.

“Sana soon makagawa rin ako sa kanila pero not as of the moment po,” sey pa niya.

Proudly Kapamilya at malaki ang pasasalamat ni Sunshine Cruz sa Dos. Nakabalik nga naman siya sa showbiz dahil sa projects na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Malaki ang utang na loob ko sa ABS. Dahil sa kanila nagkaroon ako ng bahay na tinutuluyan namin at nakakakain kami ng mga anak ko. Sobrang grateful ako sa kanila, Kuya Jimi,” lahad pa rin ni Shine.

Labis-labis din ang pasasalamat ni Sunshine sa mga namamahala ng Maalaala Mo Kaya dahil sa isang episode nito na pinagbidahan siya muling nominate sa PMPC Star Awards for TV for Best Single Performance by an Actress.

(JIMI ESCALA)