Nobyembre 22, 1986 nang kilalanin ng buong mundo si Mike Tyson bilang pinakabatang heavyweight titleholder sa larangan ng boksing matapos niyang talunin at agawan ng titulo ni Trevor Berbick, 32, sa kanilang bakbakan sa Hilton Hotel sa Las Vegas, Nevada. Si Tyson ay 20 taong gulang noon.
Sa kanilang laban, nagpaulan si Tyson ng matitinding suntok na tinawag na “pineapples.” May pagkakataong nakatayo lang si Berbick sa paniniwalang madali niyang matatalo ang kanyang kalaban. Napanalunan ni Berbick ang kanyang World Boxing Council belt noong Marso 1986, matapos manalo laban kay Pinklon Thomas.
Taong 1986 nang kinilala si Tyson bilang isang “young phenom,” matapos niyang magkampeon sa lahat ng kanyang 27 laban.
Matagumpay na naidepensa ni Tyson ang kanyang titulo sa magkakasunod na siyam na laban, hanggang sa matalo siya kay Buster Douglas noong 1990. Taong 1992 nang makulong si Tyson sa sumunod na tatlong taon dahil sa panggagahasa.