Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga mananampalataya na ipagdasal ang mga overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa aksidente sa kalsada sa Saudi Arabia.

“It is a tragic loss to our country and to their families. We lost not only OFWs but heroes,” sabi ni Balanga (Bataan) Bishop Ruperto C. Santos, chairman ng CBCP-ECMI.

Hinikayat ni Santos ang mga mananampalataya na isama sa kanilang mga dasal at mass intention ang mga OFW na namatay nang bumangga ang kanilang coaster van sa isang delivery truck sa Al-Ahsa. Labing-anim na OFW ang sakay ng van, 13 sa kanila ang namatay. Itinama ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga naunang ulat na 14 ang namatay sa aksidente.

“CBCP-ECMI offers our prayers and Holy Masses, imploring to our almighty God to grant them eternal rest and strength to their families. We also pray for safety and security of our beloved OFWs,” sabi ng pari sa Radio Veritas.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

(Christina I. Hermoso)