SAN JOSE, Tarlac - Triyanggulo ng pag-ibig ang lumitaw na motibo sa pagpaslang sa isang 55-anyos na lalaki, na pinagbabaril ng umano’y kalaguyo ng kanyang misis, sa Barangay Iba, San Jose, Tarlac.

Ang biktima ay kinilala ni PO2 Antonio Calo, Jr., na si Rodencio Damian habang ang suspek naman ay si Isagani Turma, nasa hustong gulang, ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman na ang pamamaril ay nasaksihan ng isang Francisco Gambala, 43, kapitbahay ni Damian, na kinilala ang suspek mula sa rogue gallery ng pulisya.

Nang rekisahin ang record ni Turma, natukoy na mayroon itong nakabimbing warrant of arrest sa kasong Acts of Lasciviousness.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kakasuhan ng murder si Turma sa pagpatay kay Damian. (Leandro Alborote)