CAPAS, Tarlac – Pinaniniwalaang dahil sa impluwensiya ng malalaswang babasahin at video kaya inabuso ng dalawang binatilyo ang dalawang babaeng kapwa 13-anyos sa loob ng Sunset Cemetery sa Barangay Sto. Rosario, Capas, Tarlac.

Nag-report sa himpilan ng Capas Police ang dalawang biktima, kapwa 13-anyos, laban sa mga suspek, isang 14 na taong gulang at isang 16-anyos, na lalaki pawang taga-Bgy. Sto. Rosario, Capas.

Sa imbestigasyon ni PO2 Haydee Talabucon, dakong 12:30 ng umaga at galing sa isang kaanak ang isa sa mga dalagita nang mapadaan sila sa sementeryo, na roon sila hinarang ng mga suspek.

Kinaladkad ng mga binatilyo ang dalawang biktima at inabuso, hanggang sa makatakas ang isa sa mga dalagita at nakapagsumbong sa awtoridad.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

Dahil pawang menor de edad ang mga sangkot sa krimen, inilipat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kaso para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. (LEANDRO ALBOROTE)