DAGUPAN CITY - Isang lalaki ang natagpuang patay kahapon sa isang ospital matapos itong magbigti.

Sa ulat na tinanggap kahapon kay Supt. Ferdinand de Asis, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang nagpakamatay na si Joseph Contalba, 31, ng Barangay Tebag, Mangaldan.

Dakong 2:30 ng umaga kahapon nang matagpuan si Contalba na wala nang buhay sa isa sa mga palikuran ng Region 1 Medical Center.

Masusi pang inaalam ng Dagupan City Police kung may foul play sa pagkamatay ni Contalba, na isang dating bilanggo, na nakita umanong may ka-text bago nagpatiwakal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito