Garie copy

BALIK-RECORDING si Garie Concepcion sa Warner Music Philippines.

 

Si Garie, ay anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si KC Concepcion ang unang anak ni Gabby, kay Sharon Cuneta, na sinundan ni Garie at ikatlo naman si Chloe Syquia sa nanay nitong si Jenny Syquia at ang ikaapat at ikalima ay sina Samantha Alexis at Savanna sa kasalukuyang asawa nitong si Genevieve Yatco Gonzales.

Kasabay ng pagpirma ni Garie sa Warner Music Philippines ay binago ng kanyang manager na si Joed Serrano ang screen name niya na magiging Gabrielle C.

 

Ang dahilan ng dalaga kaya siya nagpalit ng pangalan ay para magkaroon siya ng sarili niyang identity at hindi nakikilala o natatandaan bilang kapatid ni KC lalo’t parati siyang ikinukumpara sa aktres na hindi naman din naiiwasan.

 

Nabanggit din ni Gabrielle sa nakaraang contract signing niya sa Warner Music Philippines na nasasaktan siya sa mga namba-bash sa kanya at sa pagkukumpara kaya hindi na lang siya nagbabasa at hindi pinapansin ang mga nagsasabing mas maganda, mas talented at mas maganda ang boses ng Ate KC niya.

 

“I can’t please everyone, that’s just how it is. If people appreciate me and love me, I’ll love them back; if not, I’ll respect them either way,” sabi ni Garie.

 

Samantala, sa naturang panayam niya nabanggit na hindi pa niya nakikilala nang personal ang mama ng Ate KC niya na si Ms. Sharon Cuneta. (Reggee Bonoan)