Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya kaugnay ng pagpatay sa isang election officer na binaril ng hindi nakilalang suspek sa isang gasolinahan sa Molo, Iloilo City, kahapon ng umaga.

Ayon sa pagsisiyasat ng Iloilo City Police Office, (ICPO), nasawi sa mga tinamong tama ng bala sa katawan si Reymond Valera, 52, election officer ng Dumangas, Iloilo.

Ayon sa security guard ng gasolinahan, narinig niya ang tatlong magkakasunod na putok ng baril mula sa dalawang nakaparadang kotse.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho bilang election officer ang pananambang sa biktima. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog