Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na umano’y nakasagutan nito sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Guillermo Solis, 33, alyas “Jun-Jun,” ng No. 43 Sta. Isabel Street, Sto. Rosario Village, Barangay Baritan ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa ilang testigo, dakong 8:30 ng gabi nang naulinigan nila na kapwa mataas ang boses ng biktima at ng suspek na ‘tila may pinagtatalunan sa Gaukeko Street sa Bgy. Baritan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Makalipas ang ilang saglit, nakita umano nilang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan si Solis.

Narekober ni Insp. Jose Bonifacio, ng Scene on the Crime Operations (SOCO), ang anim na basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para sa pagkakakilanlan ng suspek. (Orly L. Barcala)