PANIQUI, Tarlac - Isang doktor at dalawa pa niyang kasamahan ang inaresto ng mga operatiba ng Paniqui Police matapos silang mahulihan ng hinihinalang shabu sa Barangay Patalan, Paniqui, Tarlac.

Sa ulat kay Supt. Salvador S. Destura, Jr., hepe ng Paniqui Police, arestado sina Dr. Epipanio Castro, 54, ng Bgy. Patalan, Paniqui; Rufino Fernandez, 49, ng Bgy. San Miguel, San Manuel; at Sarhani Diko, 18, ng Alabang, Muntinlupa City.

Ayon sa report, nakumpiska kay Castro ang walong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu.

Narekober din ng pulisya mula sa dalawa pang suspek ang dalawang transparent plastic sachet na may droga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)