LAHORE (Reuters) — Umaapela ng tulong ang mga survivor na naiipit sa ilalim ng mga guho ng isang pabrika sa Pakistan gamit ang kanilang mga cellphone noong Huwebes habang nangangamba ang mga rescuer na aakyat pa ang bilang ng mga namatay mula sa 18 sa huling trahedyang nagbibigay diin sa mababang safety standard sa timog Asia.

Halos 100 survivor na ang nahila mula sa gumuhong pabrika, na gumagawa ng shopping bags may 20 kilometro mula sa lungsod ng Lahore.

Sinabi ng mga rescue official na may 150 katao ang pinaniniwalaang nasa loob ng gusali nang ito ay gumuho.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo