Isang fetus ang iniwan sa kalsada kaya nasagasaan ito ng mga dumaraang sasakyan sa Laloma, Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Base sa report ng Laloma Police Station 1, dakong 12:30 ng madaling araw nang mamataan ng mga residente sa Mayon St., Bgy. Sta Teresita, Laloma ang warat na plastic bag na kinalalagyan ng fetus na tinatayang nasa walong buwan at sariwa pa ang inunan.

Pinaghahanap na ng pulisya ang ilegal na komadrona sa lugar at ang nagpalaglag na ina para mapanagot sa krimen.

(Jun Fabon)
Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?